UNREQUITED LOVE or ONE-SIDED LOVE is LOVE
that is not openly reciprocated or understood as such. The beloved may
or may not be aware of the admirer's deep and strong romantic
affections. ~
- - - -
Umpisa pa lang ng laban alam kong talo na ako. Kumbaga sa isang LOVE STORY, malaking EPAL lang ako sa pagmamahalan ng dalawang tao.
Kasalanan
ba ito? Kasalanan bang magmahal ng taong may mahal na iba? Kasalanan
bang mag mahal sa taong ayaw akong mahalin pabalik?
Minsan nga tinitingnan ko ang itsura ko sa salamin.. “hindi naman ako pangit ah..” sabi ko.
Hindi naman malabong magka gusto ka sa isang tulad ko.
ANO BA TALAGA ANG MERON SIYA NA WALA AKO?!
Ako, kaya kitang mahalin ng MAS pa kesa sa pagmamahal niya sayo. Kung ako nalang sana.
Ako nalang..
Akala ko, sasaya na ako nung…
Isang
gabi, pumunta ka sa bahay na umiiyak at bigla mo akong niyakap.
Napangiti ako kasi sa ika-una unahang pagkakataon ay niyakap mo ako.
Pero nawala bigla ang ngiti ko dahil alam ko. Alam kong umiiyak ka nang
dahil sa kanya. Ganun mo siya kamahal eh. Iniiyakan. Iniiyakan mo ang isang tulad niya. Ako kaya? Kailan mo ako iiyakan? Tumawa ako ng mapakla sa naisip ko. Eto na naman ako. Umaasa. Umaasa sa wala. Umaasa na sana dumating ang araw na ako naman. Ako naman ang mamahalin mo.
Wala akong ginawa kundi ang yakapin ka pabalik sabay sabing “sssh.. tama na. ano ba kasing nangyari?” bakas sa boses ko ang pag-alala.. ang ayoko sa lahat ay ang makita ang mahal ko na umiiyak. Ayokong nakikita kang umiiyak. Mas mabuti nang ako lang ang nasasaktan. ‘wag ka lang masaktan. Kaya gagawin ko ang lahat. Maging masaya ka lang ulit. Kasi pag nakikita kitang nasasaktan, unti unting nadudurog ang puso ko.
Sumagot ka sa tanong ko.
At nang malaman ko ang dahilan kung bakit ka umiiyak ay bigla akong napangiti. I mean I feel sorry for you pero deep inside me. Deep inside my heart, gusto kong magdiwang.
Maybe it’s rude kasi ikaw umiiyak samantalang ako, sa kaloob looban ko ay nagdidiwang ang puso ko.
“She broke up with me..hindi na daw niya ako mahal.”
Hinawakan
kita sa mukha. Ngumiti ako habang tinitingnan kita sa mata. Pinunasan
ko ang mga luhang nag uunahan ng pag labas sa iyong mga mata.
“Maybe she’s not made for you.. may iba naman jan eh. Madaming babae sa mundo. Learn to look around. May makikita ka.”
“ako!
Ako nalang ang mahalin mo. Dahil ako, hinding hindi kita sasaktan.
Mamahalin kita ng higit pa sa sarili ko. Ako nalang.. pangako, hindi
kita sasaktan..” gusto ko mang sabihin sayo pero parang may sariling
utak ang bibig ko. Gusto ko mang sabihin sa’yo ang gusto kong sabihin
pero nauunahan ako ng takot.
Iling lang ang sagot mo sa sinabi ko.
“ayoko sa iba. Siya. Siya lang.. siya lang ang gusto ko.” At
dahil doon, bigla akong natahimik. Para bang binuhusan ako nang
malamig na tubig. Sa sinabi mong iyon gusto ko nang tapusin ang buhay na
binigay sa akin ng Diyos. Sa sinabi mong iyon, nagunaw ang mundo ko.
Ayaw mo nga talaga sa iba..
Ayaw mo rin sa akin.
Yumuko
nalang ako. Dahil sa tingin ko, malapit nang bumuhos ang mga
pinipigilan kong luha. Yumuko ako dahil wala na akong masabi. Wala na.
Walang wala na..
Ano bang mali sa akin? Bakit hindi mo ako kayang mahalin?
Bigla mo nalang kinuha ang kamay ko. Kaya sa gulat ko ay bigla akong napatingin sa’yo.
“magkaibigan naman tayo diba?”
Magkaibigan..
Magkaibigan..
Magkaibigan..
Magkaibigan..
Magkaibigan lang ba talaga tayo?
Hanggang magkaibigan nalang ba talaga?
Unti unti naman akong tumango. Masakit man pero kakayanin ko.
Kakayanin ko dahil mahal kita..
Ngumiti ka naman sabay sabing “tulungan mo ako. Tulungan mong mag kabalikan kami..” bigla akong natigilan.. tutulungan kita? Kaya ko ba?
Parang pinapatay ko na ang sarili ko pag ginawa ko yun eh. Alam kong
masasaktan talaga ako kapag tinulungan kita.. Sino ba namang tanga ang
tutulong sa taong mahal mo na makipagbalikan sa ex niya?! Ako.
Tanga na kung tanga pero gusto kita maging masaya. Kahit na masaktan ako
ng pauli-ulit basta ang importante ay maging masaya ka..
Ngumiti
ako sabay tango. Bigla namang nag liwanag ang mukha mo at dahil sa
sobrang saya mo ay niyakap mo na naman ako. Niyakap din kita pabalik.
Kahit sa yakap man lang. sa isang yakap mo lang, masaya na ako..
It
may sound unfair. Kasi ang taong mahal mo ay masaya samantalang ikaw ay
nasasaktan. Pero diba, lahat naman kaya mong gawin basta mapasaya lang
ang taong mahal mo? Kahit na masaktan ka, okay lang at least siya,
masaya. Minsan kasi, mas pipiliin mong maging masaya na lang para sa isang tao kahit na ang kapalit nun ay ang sarili mong kaligayahan. Kasi pag nakita mo ang taong mahal mo na masaya, eh sasaya ka
din. Diba?
Hindi kita binigo, tinulungan kita kahit na gabi gabi umiiyak ako. Siguro ganito na talaga.
Ipinanganak ako para tulungan ka.
Ipinanganak ako para mahalin ka ng hindi mo alam.
Ipinanganak ako para masaktan.
Sabi nga nila, sa mundo dapat patas. Fair. Kaya
kung may mahirap, may mayaman. Kung may mataba, may payat at higit sa
lahat, pag may masaya, may malungkot. Sa kaso ko, pinili kong maging
malungkot.
Pinili kong maging malungkot at masaktan para maging masaya ka.
Ilang taon ang lumipas at andito ako ngayon sa simbahan. Nakangiti. Nakangiti kahit na nasasaktan ako. Kasi ngayon, nasa harap ka na nang altar habang hinihintay mo ang babaeng mahal mo.
Ang babaeng iniyakan mo noon.
Masakit man pero ngayon, unti unti ko nang tinatanggap. Na kahit kailan, hindi talaga tayo para sa isa’t isa. Na kahit kailan, hanggang patago lang ang pag mamahal ko sa’yo..
May
mga bagay talaga na hindi para sa atin. At ang kailangan nalang nating
gawin ay ang.. tanggapin 'yon. Tanggapin ang katotohanan na kahit kailan
ay hindi sila magiging atin.
ang katotohanan na kahit kailan ay hindi ka magiging akin..
Ako si Mikaella. And this is my Unrequited Love..
xxx
Dito
sa mundo, may mga taong, masaya, malungkot, nasasaktan, umaasa at nag
mamahal.. hindi naman masamang magmahal diba? Mas lalong hindi masama
ang umasa. Pero sana matuto naman tayong pahalagahan ang sarili natin.
You should know when to stop. Kung nasasaktan ka na talaga, ihinto mo
na. ‘wag ka nang maghintay. Kasi paano nalang kung hindi talaga kayo ng
taong hinihintay mo? Masasayang lang yung mga oras, araw, buwan at
taon kakahintay mo sa wala. Tsaka, paano nalang kung yung time na
naghihintay ka, dumaan na pala yung taong nakalaan para sa’yo? Mahirap
diba? Ganyan naman talaga pag nag mahal. Hindi ka lang sasaya, may
pagkakataon din na masasaktan ka.. kaya sana, kung may mahal ka tapos
yung mahal mo ay may mahal na iba, tapos ang ginagawa mo ngayon ay ang
mag hintay, sana naman worth it ang paghintay mo. :) sabi nga ng isang kaibigan ko, "..dadating din ako sa punto kung saan ang
taong mahal ko, ay mamahalin din ako. tiwala lang." oo nga naman.
kailangan mo rin mag tiwala. pero sana, mag exert ka din ng effort.
hindi yung uupo ka lang tapos hihintayin mong mahalin ka din ng taong
mahal mo. diba? 'wag kang gagaya kay Juan Tamad, shunga! pero kung
nasasaktan ka na talaga yung parang nasasakal na at hindi na makahinga,
please lang, huminto ka na. Ihinto mo na yan. Andaming lalaki/babae sa
mundo. Hindi ka mauubusan. Ang sabi nga ni Mikaella, "May mga bagay
talaga na hindi para sa atin. At ang kailangan nalang nating gawin ay
ang.. tanggapin 'yon. Tanggapin ang katotohanan na kahit kailan ay hindi
sila magiging atin." kaya, kung hindi mo na talaga kaya at ayaw mo nang
maging martyr, mag move on ka na at tanggapin ang katotohanan. ‘wag
mo nang I’insist yung sarili mo sa taong hindi ka kayang mahalin, at sa
taong may mahal na. Kasi, nagmamahalan na sila eh, wag ka nang
EPAL..okay? :D hindi ko naman sinasabi na ihinto mo na yung paghihintay
thingy mo, kasi kahit anong pilit ko, alam kong wala pa rin akong
magagawa. kasi nga, puso mo yan eh. buhay mo.. desisyon mo yan. ang
tanging sinasabi ko lang ay sana malaman mo kung saan at kailan ka na
hihinto. walang masama ang umasa pero sana 'wag lang umabot sa point na
umaasa ka na sa wala. learn to love and respect yourself. :))
“It’s
better to accept the fact that you are not appreciated than to insist
yourself to someone who doesn’t really know your worth..”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento